PAANO AKO NAKAPUNTA NG JAPAN BILANG VISITOR?

Bago ako magkaroon na legal na pagtira dito sa Japan, Bumisita muna ako.

Tulad ng ibang tao, nagpasa ako ng napakaraming documento para maka kuha lang ng VISA at makapunta sa napakagandang bansa, tulad ng Japan.


Una sa lahat, hinde Tourist Visa ang kinuha ko, Family Visa ang nakuha ko, dahil may pamilya ako naka tira dito.

Siguro naiisip niyo na madali para sakin dahil nga may pamilya ako dito. Sagot ko jan, Oo. Napadali ang proseso dahil dito.
Pero, may kaibigan ako na Travel Blogger na nakapunta dito ng mababang budget at walang problema sa VISA.


So, what do you need to make sure to get a JAPAN VISA?




1. Make sure you have a Job
- Di lahat ng tao may trabaho, sabihin na natin yung iba bata pa magtrabaho at gusto magbakasyon.
Anong gagawin mo?

Maghanap ng Guarrantor.
Madalas na kinukuha na Guarrantor ay ang magulang. Madali lang yan basta wala kang problema sa magulang mo diba. Haha
Kung walang magulang? Si ate or si Kuya baka pwede? Tanungin mo.

Basta ang Guarrantor, may trabaho at makakapagpatunay na may pera siya sa Bangko.

Kung may trabaho ka naman, kelangan mo Kumuha ng COE at Bank Statement sa Bangko mo.

- Dahilan dito, para di masabe na mag TNT ka or maghahanap ka ng Trabaho sa Japan.

2. May Pera ka sa Bangko mo
- Dahil nga kelangan ng Bank Statement, dapat may laman yan. Di pwedeng, wala.
Mag ipon ka. Kahit mga 30 to 50k, basta meron yan dapat.

Dahil jan ibabase kung kaya mo ba talaga na pumunta sa Japan at kaya mo pag gastusan ang gagawin mo sa Japan.

3. Itinerary

Kelangan nila yan. Kahit na ikaw yung tipong, "Pagdating don, bahala na si batman". Di pwede yan, kelangan mo isulat kung ano gagawin mo bawat oras at sa ilang araw na pagstay mo sa Japan.

Dito parang magiging researcher ka. Kailangan mo isearch kung magkano ang magagastos mo para malaman mo kung pwede ba sa pera mo ang itinerary mo.

Pagsinabe mo kunware na pupunta ka ng Disney Land, tas pocket money mo lang ay 30k, tingin mo ba kasya yan?


4. Hotel

Eto, hotel mahal sa Japan. Sure yan. Kung gusto mo sa hotel, hanap ka ng Promos. Pero kung mabilisan yang pagTravel mo, anjan si AIRBNB.

Maraming mura sa AIRBNB, may nakita nga ako 500 peso a night sa Tokyo eh. Mura diba?


5. Magplano

Di pwedeng trip trip lang dito. Anjan ang pag budget sa pera mo at yung mga gusto mo mapuntahan.
Magtingin ka na sa internet or magtanong sa kaibigan na nakapunta na sa Japan.

Kadalasan, sa Tokyo or Osaka ang punta, asahan niyo mahal jan. Kaya kelangan maging wise ka sa pag gastos. Dahil mamaya, ang sasaklolo sayo, eh si Credit Card. Mahirap na.





So, I just listed everything that I think you need to know. Getting a VISA to Japan might be hard these days. But, if you have complete documents, you'll be fine.

Start checking the flights, accommodations, places that you want to visit and save money!

Good luck and have a safe trip!!!


Comments